superfriends alter echoes babe in total control of herself behind this grafitti carols... classspeakerof theday constipated eunmi daydreamer empty musings and wasted days herplacenowreally hiddencreature kgchronicles lost in the shuffle my oldest ache never enough not all who wander are lost pale reactions peachy poetry polaris sand castle musings scorpion syrup silent screams, secret smiles strange presence the kid in me things change... vanilla raindrops XX MY PHOTOS XX XX DOODLES XX XX PICKLED LIT XX rewind today February 2005 December 2004 November 2004 October 2004 September 2004 August 2004 July 2004 June 2004 May 2004 April 2004 March 2004 February 2004 January 2004 December 2003 November 2003 October 2003 September 2003 oist! email me: wawawawel@yahoo.com counter visited *loading* times |
Tuesday, November 23, 2004 568 finally i encountered it again earlier today. an orange afternoon. an orange afternoon full of orange people walking here and there. orange cars. orange walls, orange trees, orange blades of grass. i've been missing this for a long time now, this particular moment among countless ones in a day when the world, as if in the middle of a very long sermon suddenly stops and everything stands still. and for a moment, just for a moment, something rushes into my veins. the wind passes by and caresses the abandoned. for once, the itch to be desired, the longing for wisdom, the hunger for truth - they all seem to be satisfied all at the same time. everything moves, yet everything stands still. posted by moonbeam at November 23, 2004 00:28 | link | comments (3)
Friday, November 19, 2004 567 sa linggong ito, natalsikan ko ng toothpaste ang mata ko, nakasinghot ako ng sangkatutak na instant orange juice powder, at nakalunok ako ng shampoo. may mali sa akin. posted by moonbeam at November 19, 2004 22:16 | link | comments (10)
Tuesday, November 09, 2004 566 NEWSFLASH. photoblog updated. hurry see those pics and let the frustrated photographer in me have the time of his life by leaving comments like i like this pic i like that pic that's a good one you're great wow things like that just let the photographer wannabe moonbeam feel good for a moment that's what friends are for right hehe joke hey i'm beginning to like writing spontaneously and without sentence breaks it feels so natural it's like a hundred thousand words all rushing suddenly out of your brain through your chest then arms then fingers then crossing the tips of your fingers and diving towards the surface of the keyboard then there you are flashing in front of me haha this is great but i think i'm getting tired now even though i'm not talking i feel like i'm running out of air i think i have to rest now there. is it just me, or is the past always funny, the present always pathetic, and the future always ideal? hello, i'm moonbeam, and on my side of the planet, cats wear WWJD bracelets people sleep at 5am. for now. gnyt! posted by moonbeam at November 09, 2004 05:12 | link | comments (2)
Friday, November 05, 2004
Mahigit isang taon na pala tong blog na to, hindi ko man lang namalayan. Sige, kahit nung isang buwan pa dapat ang blog anniv ko, ituloy ko na rin ang alanganing pagmumuni-muni kung ano na bang nangyari sa akin isang taon matapos ko pagdesisyunang maki-uso at magmaintain ng blog. Nagstagnate ba ako? Ikumpara natin si Wawel nung Pisikal/Superficial… Last year, nakukuha ko pa magjogging every other Thursday afternoon sa UP. Ngayon, hindi na e. badminton naman ako. Pero hindi na rin. At parang balak ko na takbo na lang uli sa acad oval. Last year, niloloko ako ng mga kaibigan sa film na lumalaki tiyan ko. Kaya nga ako nagjogging. Ngayon, wala nang pumapansin. Kasi wala na akong kaibigan. 'De, siguro dahil relatively mas matino na ang lifestyle and eating habits ko. Gym na lang pre, gym na lang! Last year, clean cut na mahaba ang buhok ko. Ibig ko sabihin, pag nagpagupit, sobrang ikli, tapos babay muna barbero ng matagal. Pag nagmakaawa na mga kaibigan kong magpagupit na ako, saka na lang ako pumupunta sa barbero. Ngayon, ah ewan. Last year, adik ako sa kape. Ngayon,(espresso na yun!!? Double shot na yun!!!???) -> ganun pa rin. This year, nagka-chucks ako. Shucks. First time(blush). Spiritwal/Mga bagay na kabit sa pananampalataya ko…. Last year, may ginive-up akong ministry sa local church namin kasi hindi ko na kayang maging consistent (dahil sa inconsistent work). Ngayon, wala pa rin akong hawak na panibagong ministry. Last year, struggle and daily devotions ko. Ngayon, more than ever. Pero mas malakas na ang craving ko. Last year, nanginginig na ako pag iniisip ko kung anong mangyayari sa akin, kung anong Ngayon, may kumakabog pa rin sa dibdib ko pero masasabi kong mas kampante na ako. Natututo na rin akong maging kampante. Bilib ako sayo Lord! Intelektwal/aktibidad ng utak (aba….) Last year, puro art/pseudo-art films at brainless hongkong films mula sa quiapo ang pinapakain ko sa utak ko. Ngayon, mas marami nang libro at mga kwento ng mga kaibigan at personal experiences ang pinagkakaabalahan ng utak ko.
Last year, gusto ko matutong mag-violin. Ngayon, gusto ko matutong magluto.
Last year, hindi na ako kilala ng piano at ng gitara. Ngayon, Pinapakilala ko na uli sarili ko sa kanila.
Last year, may average akong 4 books a month na natatapos. Ngayon, 2 na lang. minsan nga isa lang e.
Emosyonal (ayan na…) Last year, pag napapadaan ako ng UP, o ng CMC, o pag naririnig ko si Alicia keys o pag pumupunta kami ng tagaytay, napapangiti ako at parang excited na ewan, sabay pray. Ngayon, (sniff) ganun pa rin. Ay nde, natatawa at nagdadasal na lang.
Last year, madali ako madala pag iniiyakan ako ng kausap ko. Ngayon, hindi na. Last year, medyo hesitant akong magsulat o magsalita tungkol sa kung ano nararamdaman ko towards things/people/issues. Ngayon, hindi na rin... . . o sige na nga medyo na lang.
Last year, naiiyak ako pag pinapanood ko yung Phone Booth, Matrix Reloaded, at My Sassy Girl. Ngayon, naiiyak pa rin e. Last year, madrama at vague laman ng blog ko. Ngayon, ganun pa rin e Buhay Sosyal (y’know pare…) Last year, hindi ako mahilig magpupupunta sa mga bars at sa iba pang maiingay na lugar. Ngayon, ganun pa rin. Last year, sa bahay lang o sa harap ng mga kamag-anak lang ako umiinom ng beer/tequila/san mig light. Ngayon, ganun pa rin. May isang instance lang pero sinigurado kong matinong usapan ang lalabas sa amin at successful naman. strawberry wine o kahit anong wine, un lang gusto ko inumin kasama ng mga kaibigan. sosi pare, sosi. 'de. Last year, wala ata ako bagong kilala aside from my film friends., Ngayon, madami-dami ang nadagdag sa friendster account ko at Buhay propesyonal (propesyonal my _ss) Last year, Kinamumuhian ko ang mga wedding/bday videos pero edit naman ako ng edit ng mga ganun. Ngayon, aynakupolaluna. hehe joke. Pero hindi na muna ako nag-eedit ng mga ganun. Last year, puro corporate videos din pala nakaline-up sa akin. Ngayon, recently actually, hindi na. yey. Last year, parang talagang nonlinear video editor na ako. Ngayon, answered prayers, nagshishift na. at
Last year, balak ko makagawa ng isang short video na talagang storya ko. Ngayon, balak ko pa rin. Last year, takot ako sa SLR camera. Ngayon, improving na pare! 14 out of 25shots ang ok sa akin ng hindi gamit ang light meter na defective. Ye! Trivial (kung anu-ano pa) Last year, may apat akong kuko na may moon. Ngayon, dalawa na lang, sa parehas na hinlalaki. Last year, nasugatan ako ng malalim sa tapat ng kanang pulso. Ngayon, keloid na siya at akala ng mga bago kong kaibigan, suicidal ako. Tapos may Jesus revolution pin ako sa bag, so akala nila dati akong suicidal na naging Kristiyano kaya thankful daw sila at nakakilala ako. Waaahaaa. Last year, mahilig ako sa Korean movies. Ngayon, hindi na masyado. Last year, natatawa pa rin ako sa joke ng pating, at iba pang mga animal jokes. Ngayon, natatawa pa rin e. Last year, impulsive ako sa pagpunta sa quiapo at pagwaldas ng pera sa dvd. Ngayon, hindi na. mejo na lang. Last year, meron kaming 3 aso, 2 pagong, isang fishie. Ngayon, meron kaming 2 aso, 1 pagong, 17 fishies, 1 cat. Last year, humihingi ako ng affirmation through SMS pag down ako. Ngayon, humihingi ako ng load sa nanay ko. joke. ganun pa rin.
Last year, mahilig ako sa zombie movies. Ngayon, mahilig pa rin! Last year, lifehouse ang artist of the month ko. Ngayon, si Dave Matthews at ang kanyang mellow na Some Devil. Last year, wala akong mahatak na kasamang manonood ng mga pelikula ni Wongkarwai on vcd. Ngayon, parang may nakita na akong pwedeng kasama, at may movie pa si WKW na papalabas sa big screen. O diba astig. Last year, gusto ko magpalipad ng saranggola sa UP, at desidido akong pumunta sa lantern parade. Ngayon, pagsasabayin ko. Yey. Dapat kasama ko kayo dun ha. === gusto ko rin sanang gumawa ng list ng mga gusto ko mangyari a year from now pero saka na lang uli. posted by moonbeam at November 05, 2004 20:19 | link | comments (5)
Tuesday, November 02, 2004 posted by moonbeam at November 02, 2004 00:32 | link | comments (1)
|